Nagsimula na ang ilang mga Pilipino sa paglilinis at pagsasaayos ng mga puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay, bilang paghahanda sa Undas.
Ayon sa ilang bumisita sa mga puntod sa Manila North Cemetery, pinili na nilang pumunta ng mas maaga upang maiwasan ang dagsa ng mga tao sa All Saints Day at All Souls Day sa Nobyembre.
Naglabas naman ng abiso ang Malabon local government na lumapit lamang sa kanila ang mga pamilyang nahihirapang hanapin ang libingan ng kanilang mga nasawing minamahal dahil sa ginawang renovation sa Tugatog Public Cemetery.
Aabot sa 17 libo ang nakalibing sa Tugatog Cemetery subalit hindi lahat dito ay nailipat sa ossuary o columbarium.
Nananatili namang nasa storage ang ibang bangkay at kasalukuyang nasa proseso.