Hindi pinayagan ng kanilang employers ang ilang Pinay domestic workers sa Singapore para makapag-day off.
Ito ay para makaiwas sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) matapos itaas ng Singapore sa ikalawang pinakamataas na alert level ang kanilang bansa dahil sa nasabing sakit.
Ayon naman sa isang Pinoy na nagtatrabaho bilang store manager sa isang kilalang clothing brand sa Singapore, bumaba ang bilang ng kanilang shoppers at halos 70% ang ibinaba rin ng kanilang sales.
Dahil dito, sinabi ng naturang Pinoy na inobliga na rin silang gamitin ang kanilang leave credits at bawasan ang kanilang oras ng kanilang trabaho.
Bumaba rin ang bilang ng mga turista sa Singapore dahil sa travel ban at maraming residente rin ang piniling manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay.