Nakasungkit ng ginto at pilak ang tatlong Pilipino athlete sa 2022 Asian Classic Power Lifting Championships sa Dubai, United Arab Emirates.
Nagtala ng mga bagong record sina Aeron Paul Casamayor sa National Junior Men’s 53 kilo; Veronica Ompod sa Women’s 43 kilo at Jessa Mae Tabuan sa 47 kilo.
Bumuhat si Casamayor sa squat ng 167.5 kilo para sa gold, bagong Asian at Sea Junior record habang aabot naman sa 477.5 kilo ang pangatlong gold at new record sa Asian, Sea at National Junior Marks.
Umabot naman sa 110 kilogram ang binuhat ni Ompod para sa ginto at bagong Asian record habang sumikwat ng pilak si Tabuan matapos bumitbit ng 90 kilo sa bench press na bagong Sea Open. —sa panulat ni Jenn Patrolla