Ilang mga Filipino domestic workers ang hindi na nakapagde-day off dahil sa tumitinding pro-democracy protest sa Hong Kong.
Ayon kay Mahee Leclerc, business development manager ng recruitment platform na HelperChoice, maraming mga employer naman ang nagte-take advantage nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na trabaho kahit pa dapat ay araw ng pahinga.
Lalo pa aniyang naa-isolate ang mga domestic helpers doon dahil hindi na sila makapamasyal at makalabas kasama ang kanilang mga kaibigang Pilipino.
Matatandaang hindi pa rin tumitigil ang kilos protesta sa Hong Kong sa kabila ng matigas na paghikayat ng Chinese government na itigil na ito.