Nag-aalala na ang ilang Pinoy medical workers sa United Kingdom at Sweden dahil sa kanilang exposure sa COVID-19.
Gayunman sinabi ng Pinoy medical workers na karamihan ay nagtatrabaho sa National Health Service (NHS) sa UK na kailangan nilang harapin ang hamon ng kanilang trabaho bilang frontliners.
Ang mga Pilipino na nasa mahigit 18,000 ay ikalawa sa Indian nationals na pinakamarami bilang foreign nationals sa NHS.
Tinapos na rin ang COVID-19 testing sa community level sa UK at tanging mga pasyente na lamang sa ospital ang isasalang dito kung nagpapakita ng mga sintomas.
Inamin naman ng national board of health and welfare ng Sweden na bumaba ang kalidad ng health care sa kanilang bansa dahil sa kakulangan ng protective equipment ng health workers.
Subalit tiniyak ng gobyerno ng Sweden na ginagawa na nila ang lahat para matugunan ang mga hamong dulot ng COVID-19.