13 pang Filipino na bumiyahe patungong Poland mula Ukraine ang nakatakda nang umuwi ngayong araw.
Ayon kay foreign affairs undersecretary Sarah Lou Arriola, ang nasabing grupo ng mga Pinoy ay sinundo ni secretary Teodoro Locsin mula Poland.
Inaasahan din anyang uuwi ang iba pang batch ng mga Filipino ngayong linggo.
Tumawid ang mga Pinoy sa polish border sa gitna ng paglusob ng Russia sa Ukraine.