Nagpapasaklolo na sa konsulado ng bansa sa California, USA ang ilang Pilipinong na-stranded doon matapos ang travel restriction na ipinatutupad ng Estados Unidos dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ipinabatid ni Philippine Consul General for San Francisco Henry Bensurto na karamihan sa mga stranded ay mga turista o may J1 visa na nagtungo sa Amerika para sa training at dapat sanang nakabalik na ng Pilipinas subalit inabutan nga ng lockdown.
Mayroon aniyang ilang eroplano na may available flights subalit hindi naman direct flight.
Tiniyak naman ni Bensurto na tinutulungan nila ang mga stranded na Pinoy at maging ang mga Pinoy doon na kabilang sa tinatawag na vulnerable sector.
Sakop ng tanggapan ni Bensurto ang 10 estado sa Amerika kabilang ang Alaska at tinatayang 1-milyong Pilipino ang naririto.