Dalawang araw bago ang halalan, nagsimula nang mag-uwian ang ilang Pinoy sa kanilang probinsya para makaboto sa Halalan 2022.
Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), gabi pa lang ay dagsa na ang mga pasahero kung saan ilan sa mga ito ay nagpalipas na ng gabi sa mga terminal para maagang makasakay ng bus.
Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, nasa 100K pasahero na ang kanilang naitala nitong nakaraang linggo at inaasahang dadami pa ito ngayong araw at bukas.
Samantala, dagsa na rin ang pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City na nagnanais umuwi sa Norte.
Batay sa pahayag ng pamunuan ng terminal, nagdagdag na rin sila ng biyahe ng rutang patungo sa Pangasinan at Baguio City.
Tiniyak naman nila na tuloy-tuloy lamang ang biyahe at kada dalawangpung minuto na lamang ang pagitan ng mga umaalis na bus malayo sa dating isang oras na interval.