Nagpaabot na nang pagkabahala ang ilang Pinoy workers sa Fort Mcmurray sa Alberta, Canada dahil sa patuloy na wildfire.
Ayon sa isang Pinay caregiver sa nasabing bansa, halos 80 porsyento ng mga kabahayan ang nasunog sa abasand heights.
Nasunog aniya ang kanilang tinitirhan pati na ang dalawang sasakyan nila ng kanyang asawa at tanging papeles lamang ang nailigtas nila kasama ang tig-isang karton ng damit.
Sinabi ng Pinay caregiver na nagpapasalamat sila dahil mayroong lodge na nag-alok sa kanila ng libreng pagkain at accommodation sa loob ng dalawang araw subalit namomoblema kung saan pupunta pagkatapos nito.
Ilang apektadong residente naman ang lumikas sa Calgary.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters