Nananatili pa rin ang ilang Pilipino sa Libya sa kabila ng ipinatupad na mandatory evacuation.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa lugar.
Ayon kay Charge d’ Affaires Elmer Cato ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, mas pinipili pa rin ng ilang mga OFW na manatili sa kabila ng panganib sa lugar.
Ito ay dahil aniya sa trabaho na kanilang maiiwan sa naturang bansa.
Karamihan umano sa mga Pinoy na nananatili sa Libya ay mga nurse na nagtatrabaho sa mga ospital.
Gayunman, tiniyak ni Cato na kanilang itutuloy ang panghihikayat sa mga Pinoy na umuwi na sa bansa para sa kanilang kaligtasan.