Sanib puwersa ang Philippine Consulate sa New York, New York City Health Office, mga ospital at ilang Pinoy American Organizations para magbakuna gamit ang gawang COVID-19 vaccine mula sa Johnson&Johnson.
Ayon kay Vice Consul Paolo Marco Mapula sa nakalipas na weekend ay tinatayang nasa 500 libreng bakuna ang itinurok sa mga Pilipinong nasa New York sa mobile vaccination site sa Fifth Avenue at 46th avenue na bukas din sa lahat, walk in clients partikular ang mga turista.
Isinulong naman ni New York City Mayor Bill De Blasio ang vaccine tourism hindi lamang para sa kaligtasan ng New Yorkers mula sa mga turista kundi para makapagpasok na rin ng kita sa ekonomiya ng lungsod.