Pinili ng ilang Pilipino na manatili sa Ukraine sa gitna nang patuloy na paglusob ng tropa ng Russia.
Sa kabila ito nang patuloy na repatriation ng mga Pinoy mula sa Ukraine.
Nabatid na ilang Pinoy ang nagsisilbing volunteer worker at tumutulong sa mga mamamayan na biktima ng giyera bilang pagtanaw na rin ng utang na loob dahil sa magandang pag trato sa kanila ng Ukrainians.
Samantala ..nagsasakripisyo rin ang mga Pilipino sa Russia matapos humina ang pera ng nasabing bansa at dinidiskartehan na lang ng kanilang employers ang kanilang suweldo.
Sinabi ng mga Pinoy sa Russia na mabuting employer din ang Russians na pamilya na ang turing sa kanila.