Nagbukas ang ilang pinto sa Europe para sa mga banyagang mangaggawa para sa iba’t ibang industriya.
Inihayag ni Labor Attache Maria Corina Bunag, karamihan sa mga bansa ay nangangailangan ng mga mangagagawa sa health care sector.
Umaasa ang Philippine Overseas Labor Office o Polo Chief na magkakasundo ang gobyerno at austria para sa kinakailangan na humigit kumulang 1K nurses, nursing assistants at iba pang healthcare workers.
Sa romania, may 1,500 OFWs na, kung saan nadadagdagan ang kanilang bilang at ang mga ito ay household service workers, factory worker at automotive workers.
Samantalang sa croatia naman, ang kinukuhang ofws ay para sa sektor ng turismo at service industry, gaya ng sa hotel, resort at restaurant.