Ilan pang planta ng Coca-Cola Beverages Philippines Incorporated ang pansamantalang nagtigil-operasyon dahil sa shortage sa supply ng asukal.
Kinumpirma ng Coca-Cola na nagsara muna ang kanilang planta sa Imus, Cavite at Zamboanga City.
Tiniyak naman ng kumpanya na gumagawa na sila ng hakbang upang hindi maapektuhan ng shortage ang lahat ng kanilang planta sa bansa.
Bukod sa Imus at Zamboanga City, suspendido rin ang operasyon ng planta ng Coca-Cola sa Naga City, Camarines habang balik-operasyon naman sa Davao City matapos ang isang araw na temporary closure.