Ilang political prisoners ang posibleng mapalaya na bago mag-Disyembre.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, tinatayang 300 political prisoners ang ikinukunsidera nilang mapalaya dahil sa pangmakataong dahilan o humanitarian reasons.
Gayunman, sinabi ni Bello na posibleng hindi lahat ng 200 ay mapapalaya bago mag-Disyembre dahil may mga proseso pang dapat daanan ang mga ito.
Sinisikap anya nila na maisakatuparan ang pagpapalaya sa mga political prisoners bago lagdaan ang bilateral ceasefire agreement bago mag-Disyembre.
By Len Aguirre