Nagsara na ang ilang farm sa Luzon dahil sa outbreak ng newcastle disease sa ilang bahagi ng rehiyon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang virus ay kumalat na sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Pangasinan, Zambales, Tarlac at Pampanga, Laguna, Quezon at maging sa Quezon City.
Ipinabatid ng poultry owners sa mga apektadong lalawigan na nagsimulang mamatay ang mga manok dahil sa naturang sakit noon pang Nobyembre.
Sinabi ng DA na mahigit 1 milyong manok na ang namatay dahil sa newcastle disease mula October hanggang December 2015.
Inabisuhan ng DA ang mga poultry owner na bigyan ng kumpletong vitamins ang kanilang mga manok para hindi kumalat ang virus.
Samantala, muling nilinaw ng DA na hindi maaapektuhan ng sakit ang mga taong kumakain ng manok.
By Judith Larino