Sinimulan nang gawing gender-neutral ang ilang preschool sa bansang Sweden.
Ito’y kung saan inalis na ang mga katawagang pambabae at panlalake sa mga bata.
Maliban dito, inalis na rin ang dibisyon para sa mga laruang panlalake at pambabae.
Lumalabas na magkakahalo na ang mga manika, mga laruang sasakyan at iba pa.
Layon ng naturang pagbabago na bigyang laya ang mga bata na i-challenge at piliin ang sarili nilang kasarian.
Maliban dito, ayaw din ng mga taga-Sweden na ikahon ang kakayahan at paglago ng mga bata dahil sa kanilang kasarian.
—-