Kanya-kanyang pahayag ang pinakawalan ng ilang presidentiables laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa isiniwalat ni Senador Antonio Trillanes IV hinggil sa P200 million pesos na sinasabing tagong yaman ng alkalde at hindi deklarado sa kaniyang SAL-N.
Ayon kay Liberal Party bet Mar Roxas, dapat patunayan ni Duterte na malinis ang kaniyang kamay sa katiwalian.
Sa panig naman ni Vice President Jejomar Binay, dapat bungkalin ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ang lahat ng bank accounts ng mga tumatakbo sa pagkapangulo maging ng pamilya nito.
Kasunod nito, itinanggi naman ni senadora grace poe na siya ang nag-utos kay trillanes para isiwalat ang nasabing aligasyon laban sa alkalde
Sa huli, hinamon nila Roxas at Binay si Duterte na lumagda sa isang waiver upang maisapubliko ang kanyang yaman.
Magugunitang lumagda kamakailan ng isang waiver sina Duterte at running mate nito na si Senadora Alan Peter Cayetano na nagdideklarang buksan ang kanilang mga bank accounts.
By Jaymark Dagala