Sa isinagawang Presidential forum ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sinabi ng apat sa mga kandidato sa pagkapangulo na dapat magkaroon ng judicial reform upang mapabilis ang proseso ng mga kaso sa bansa.
Binanggit ni Vice President Leni Robredo ang kanyang karanasan bilang dating abogado sa Public Attorney’s Office, na sinabing ang mga katulad niyang abogado ay madalas humawak ng maraming kaso at mga assignment sa korte dahil sa kakulangan sa manpower.
Binigyang-diin din ni Senator Manny Pacquiao, ang pangangailangan para sa reporma sa hudisyal at maglaan ng mas maraming badyet sa hudikatura. Ikinalungkot niya na walang sapat na abogado at hukom ang gobyerno.
Bagama’t sumasang-ayon na dapat magkaroon ng judicial reform, snabi naman ni labor leader leody de guzman de guzman na ang mga social, political, at economic injustice ay dapat resolbahin.
Para naman kay dating Defense Secretary Norberto Gonzales, dapat suriin ng gobyerno ang sistema ng hudikatura, dahil itinuro din niya ang kakulangan ng lakas-tao at badyet sa hudikatura. – sa panulat ni Mara Valle