Nabunyag na nananatiling aktibo sa social media ang ilang preso na nasa maximum security compound.
Sa pagdinig ng Senado sa GCTA o Good Conduct Time Allowance, ipinakita ni Senador Panfilo Lacson ang mga posts ni Raymond Dominguez na sentensyado ng carnapping, pagpatay at pagsunog pa sa anak ni VACC Chairman Arsenio Evangelista.
Ayon kay Lacson, isa itong patunay na nakakagamit pa rin ng cellphone ang mga katulad ni Dominguez na nasa maximum security Building 14.
“Sinabi kasi nila contraband number 1 yung mobile phone yet the PDLs especially or even those detained in the maximum security facility, openly use their mobile phones and I saw it too because nagpopopost sa Facebook eh. Wala nang tinatago because you know, so blatantly, they’re announcing to the whole world, because Facebook is not only within the limits of Philippine jurisdiction.” — Pahayag ni Senador Panfilo Lacson sa senate hearing ukol sa GCTA.