Sinimulan na ng ilang pribadong kumpanya ang pagsasalang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test sa kanilang mga empleyado matapos bahagyang paluwagin ang restrictions sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Kabilang dito ang Globe Telecom na linggo linggong magsasagawa ng rapid antibody testing ng frontliners nito o katumbas ng 15% ng 8,000 empleyado nito.
Sumasalang na rin sa COVID-19 test ang mga empleyado ng Villar group of companies gamit ang rapid tests na inaprubahan ng FDA.
Samantala ipinabatid naman ni Ramon Ang, President at COO ng San Miguel Corporation na uunahin nilang isalang sa RT PCR test ang kanilang security at iba pang maintenance staff na aniya’y nangangalaga sa kanilang opisina bago ang iba pa nilang empleyado na unti-unti nang babalik sa kanilang trabaho.