Plano ng ilang pribadong ospital sa bansa na kumalas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay dahil sa hindi pa rin nababayarang COVID-19 claims ng PhilHealth simula noong 2020.
Sinabi ni Dr. Jose Rene De Grano, Pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc., hanggang noong Agosto ay pumalo na sa hindi bababa sa 20 bilyong piso ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital sa Metro Manila, Cagayan Valley, Iloilo at General Santos City.
Dagdag pa ni De Grano, may mga ospital na nagbawas na ng tauhan para makapagpatuloy sa kanilang operasyon. —sa panulat ni Hya Ludivico