Walang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong bansa gayundin sa mga pampublikong paaralan at mga state colleges and universities ngayong araw.
Ito’y makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw na ito, Setyembre 21 bilang National Day of Protest kasabay ng paggunita sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972.
Kasunod nito, ilang pribadong paaralan din ang nagkansela ng kanilang klase ngayong araw partikular na sa mga lugar na apektado ng ikinasang malawakang kilos protesta.
San Sebastian College Recoletos; Colegio De San Juan de Letran – Intramuros; St. Scholastica’s College – Malate; La Consolacion College Manila; San Beda College Manila; Manila Tytana Colleges; National University at National Teachers College.
Gayundin ang Mapúa University – Intramuros at Makati; Colegio San Agustin sa Makati; University of the East (K to 12 classes only) sa Maynila at Caloocan; De La Salle Santiago-Zobel; Mariano Marcos State University, Ilocos Norte; St. James Academy, Malabon; St. Paul college Pasig at Tiong Se Academy.
SMW: RPE