Ilang pribadong paaralan na ang nagsara sa Davao Region dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang inihayag ng Department of Education (DepEd) kung saan aabot umano sa 13 paaralan ang nagpatupad ng temporary closure dahil sa epekto ng pandemya.
Ayon kay DepEd Davao Spokesperson Jenelito Atillo, nahirapan ang maraming paaralan lalo’t isinusulong ngayon ang blended learning para maingatan ang mga banta laban sa nakahahawang sakit.
Ang mga nagsarang paaralan ay mula sa Davao City, Davao De Oro, Davao Del Sur, Tagum at Island Garden City of Samal sa Davao Del Norte.
Una rito, sinabi ng opisyal na inaasahan na nilang bababa ang bilang ng mga enrollees lalo na sa mga pribadong paaralan dahil sa epekto ng pandemya.