Nagdesisyon ang ilang mga pribadong paaralan na huwag itaas ang mga singil sa kani-kanilang paaralan.
Ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), batid nito ang mga pinagdaraanan ng mga magulang na labis na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Dagdag pa nito, marami sa member schools nila ang hindi na nag-apply na magtaas ng tuition at iba pang bayarin.
Kasunod nito, inihayag ni Eleazardo Kasilag, presidente ng Federation of Associations of Private Schools, na maaaring marami ang magsasarang paaralan bunsod ng ipatutupad na blended learning ng Department of Education (DepEd).