Nasa 30 pribadong paaralan na ang nagpahayag ng interes sa study now, pay later program ng LandBank of the Philippines.
Sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, aabot anya sa P250 million ang inilaang pondo para rito ng LandBank of the Philippines.
Ang bawat paaralan ay maaaring makahiram ng hanggang P3-bilyon na gagamitin sa kanilang operasyon.
Nauna nang nanawagan ang pangulo sa mga pribadong paaralan na payagan ang unti-unting pagbayad ng tuition fee dahil maraming pamilya ang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Matatandaan na batay sa pagtaya ng Coordinating Council of Private Educational Associations, nasa 2-milyong estudyante ng private schools ang posibleng lumipat sa public school o mag drop-out ngayong taon matapos maapektuhan ng pandemya ang kita ng kanilang mga magulang.