Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Kabikulan, Northern Samar, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.
Asahan naman na makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Habang mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa silangan hanggang sa hilagang-silangan ang iiral na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan.
Sisikat ang haring araw mamayang 6:23 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:42 ng hapon.