Hiniling ng isang senador na pagkatiwalaan ang ginawang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa ilang probisyon ng 2023 National Budget.
Kabilang dito ang probisyon na may kaugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) National Labor Relation Commission (NLRC), revolving fund ng Department of Education (DepEd),tv at rebranding program ng Department of Tourism (DOT).
Aminado naman si Senate Majority Leader Joel Villanueva na bahagi ng kapangyarihan ng pangulo ang pag-veto sa ilang probisyon ng General Appropriations Act (GAA).
Kaya’t sa pagkakataong ito aniya ay dapat respetuhin at magtiwala sa desisyon ng pangulo.