Hiniling ni dating National Treasurer Leonor Briones sa Korte Suprema na ipatigil ang pagpapatupad ng mga probisyon ng umiiral na 2015 national budget.
Ito’y ayon kay Briones ay dahil sa tadtad pa rin ng mga lump sum at realigned funds gayundin ang special purpose fund ang kasalukuyang budget kahit pa idineklara nang unconstitutional ng High Tribunal ang Disbursement Acceleration Program o DAP na isang discretionary fund.
Sa inihaing petition for certiorary and prohibition ni Briones sa SC, hiniling nito ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order o TRO gayundin ng writ of prelimenary injunction laban sa Sections 70 at 73 ng General Provisions ng 2015 budget.
Nakasaad aniya rito ang kahulugan ng savings na bahagi o balanse ng mga inilabas na pondo na hindi inobliga batay sa resulta ng ilang kundisyon gayundin ang pagrerealign ng mga pondo para sa reprioritization nito.
By Jaymark Dagala