Nagpositibo ang ilang processed meat products sa african Swine Fever (ASF) ayon sa laboratory report na inilabas ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Ayon sa report, nagpositibo sa ASF ang hotdog, longganisa at tocino na kanilang isinailalim sa laboratory test.
Ngunit hindi pinangalanan ng ahensya kung anong brand ang mga ito.
Inilabas ang report matapos ipag utos ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga local government units na payagang makasapasok ang mga meat processed products.
PAMPI nanawagan sa BAI na pangalanan ang brand ng mga produktong nag positibo sa ASF
Nanawagan ang grupong Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) sa Bureau of Animal Industry (BAI) na pangalanan ang brand o manufacturer ng mga produktong nag positibo sa ASF.
Ayon kay PAMPI Vice President Jerome Ong, malaki ang epekto sa buong processed meat industry kung hindi ilalabas ang brand name.
Ito ay matapos ilabas ng BAI ang report na nagpositibo sa ASF ang hotdog, longganisa at tocino na kanilang sinuri.
Matatandaang sa inilabas na report ay hindi nito pinangalanan kung anong brand o kung saang kumpanya galing ang mga produkto.