Pinabubusisi ng ilang kongresista ang umano’y mahinang training programs na iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nakasaad sa House Resolution 1394 na dapat imbestigahan ang umano’y kabiguan ng TESDA na gampanan ang tungkulin nito sa kabila ng dagdag na pondong inilalaan kada taon.
Partikular na binanggit ng Commission on Audit (CA) ang mahinang performance ng Special Training for Employment Program ng ahensya na pinaglaanan ng mahigit P2-B budget noong nakaraang taon.
Batay sa ulat na kanilang nakalap, anim sa kada 100 TESDA graduate ang natatanggap sa trabaho.
Kinabibilangan ng mga kongresistang naghain ng naturang batas sina Makati Rep. Luis Campos Jr., Iloilo City Rep. Juliene Baronda, Marikina Rep. Stella Quimbo, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Minority Leader Joseph Stephen Paduano.