Hindi pa nakabyahe ang ilang provincial bus na pinayagang makabalik pasada ngayong araw.
Ayon kay Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, hindi pa kasi handa ang mga operator dahil sa mga hinihinging requirements ng land transportation franchising and regulatory board.
Gaya na lamang aniya ng travel permit, written consent para magpa-swab test, valid id at QR code para sa bus.
Halos anim na buwang hindi nakabyahe ang mga provincial bus dahil sa mga ipinatupad na community quarantine bunsod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).