Bubuhayin ng Duterte administration ang ilang proyekto nina dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang sa mga kokopyahin ng kanyang administrasyon ang Masagana 99 Project ni Marcos at Biyayang Dagat Agricultural Programs para sa food security ng bansa.
Sa oras aniya na matanggap na ng Pilipinas ang mga foreign loan mula sa China at Japan ay tiyak na lalago ang sektor ng edukasyon at agrikultura maging ang kalusugan.
‘Masagana 99 Program’
Samantala, nilinaw naman ng Department of Agriculture na konsepto lamang ang bubuhayin nila sa Masagana 99 at biyayang dagat programs ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi na puwedeng buhayin ang dalawang programa dahil obsolete na ang mga binhi na ginamit noon sa pagpapatupad ng programa.
Una nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na kokopyahin niya ang Masagana 99 at biyayang dagat programs ni Marcos dahil isa ito sa pinaka-epektibong programa na nakapagpalago noon sa ani ng mga magsasaka.
By Drew Nacino | Len Aguirre | Balitang Todong Lakas