May ilang pulis umano ang hindi susunod sa utos ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sakaling manalo ito sa pagka-pangulo.
Sinabi ito ng ilang pulis kasunod ng mga naunang pahayag ni Duterte na tutugisin niya aniya ang mga hindi susunod sa batas, katuwang ang kapulisan.
Sinabi ng mga hindi na nagpakilalang pulis sa isang panayam na ang planong ito ni Duterte na itinuturing na anticrime policies ay magiging daan lamang anila sa extrajudicial killings.
Giit ng mga nasabing pulis, sinanay silang sumunod sa batas at kapag lumabag sila rito ay wala na silang pinagkaiba sa mga kriminal.
By: Allan Francisco