Inabswelto ng Department of Justice sa reklamong two counts of murder ang mga babaeng pulis na sina Police Officers 1 Crystal Jane Briones-Gisma, Divine Grace Baclas, PO2 Niel Centino, Senior Inspector Eric Constantino at Senior Police Officer 2 Alphinor Serrano.
Ito’y dahil sa kawalan ng probable cause o walang sapat na batayan na nakipagkutsabahan ang mga nabanggit na pulis sa pagpaslang kina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at bilanggong si Raul Yap.
Sa kautusan ng DOJ, isinusulong nito ang 24 na resolution ng panel of prosecutors sa hukuman sa pangunguna ng chairman nito na si OIC Senior Deputy State Prosecutor Lilian Doris Alejo.
Alinsunod sa resolusyon, pinasasampahan ng 2 counts of murder sa korte sa Leyte sina supt. Marvin Marcos, dating hepe ng CIDG Region 8 kasama ang 19 na PNP Region 8 member na kabilang sa pumasok sa Baybay Sub- Provincial Jail kung saan nagsabwatan upang paslangin sina Espinosa at Yap.
Samantala, ibinasura naman ang kasong perjury laban sa mga respondent habang inirekomenda ng panel ang pagsusulong ng kasong administratibo laban kay Basey RTC branch 30 Executive Judge Tarcelo Sabarre dahil sa pag-iisyu ng kontrobersyal na search warrant laban sa alkalde kahit nakakulong ito.
Inatasan din ng DOJ ang Leyte Prosecutors na ituloy ang pag-uusig kina Marcos at iba pang sangkot na pulis.
By: Drew Nacino / Bert Mozo