Ipinasara ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ilang pwesto sa Pasig Mega Market.
Ito’y dahil sa paglabag sa minimum health and safety standards na ipinatutupad dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa Facebook post ng alkalde, pinaalahanan nito ang mga negosyante at mamamayan na patuloy na sumunod sa protocols lalo na’t ibinalik na ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ani Sotto, labag man sa kalooban niyang ipasara ang ilang pwesto ngunit kailangan aniya itong gawin upang matuto sa nagawang paglabag.
Ilang stall owner at vendor umano ang nahuli kasing mali ang pagsusuot ng face mast at hindi sumusunod sa physical distancing.