Nakapagtala pa rin ng ilang paglabag sa quarantine protocols ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw nang pagsailalim ng Metro Manila sa general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na mayruong mga lugar ang hindi nasunod ang physical distancing sa paghihintay ng masasakyan habang may mga lumabas din ng hindi naka mask.
Ipinaalala ni Garcia na nasa GCQ category ang Metro Manila na nangangahulugang mayruon pa ring community quarantine.
Sa Bicutan, Taguig, halos magsiksikan ang mga tao sa pag-asang may darating na sasakyan para makapasok sila sa kani-kanilang trabaho.
Kaya naman ipinabatid ni Garcia na nag deploy ang gobyerno ng mga bus para maisakay ang mga pasaherong natengga sa ilang bahagi ng NCR.
Dahil sa mga lumitaw na problema, nangako ang MMDA na iko-coordinate nila ang mga ito sa iba pang ahensya ng gobyerno para maresolba sa lalong madaling panahon.