Tinapos na ng China ang ilan sa land reclamation project nito sa Spratly Islands.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, layunin ng konstruksyon ng mga artificial island at pasilidad na i-prayoridad ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.
Kabilang na aniya rito ang maritime search and rescue, disaster prevention and reduction, maritime research at environmental protection.
Gayunman, hindi tinukoy ni Hua kung saang partikular na bahagi ng Spratly Islands nagtapos ang kanilang reclamation project.
By Drew Nacino