Maliban sa NCR, nananatiling mataas ang naitatatalang bagong kaso ng COVID-19 sa ibang mga rehiyon.
Ayon sa OCTA research group, kabilang sa area of concern ang Isabela, Cagayan, At Benguet.
Batay pa sa ulat ng OCTA, umabot sa 158% ang growth rate mula Setyembre 15 hanggang 21 sa Isabela habang 29% naman sa Benguet.
Kahit na sa -1% ang growth rate sa mga nabanggit na lugar, nasa critical level na rin ang kanilang hospital bed at ICU utilization rates, at maging ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit.
Ayon kay Batanes General Hospital Medical Chief Dr. Jeffrey Canceran, maituturing anila na community transmission ang nangyaring hawahan sa Batanes.
Sa ngayon ay may 13 Covid patients na naka-admit sa nasabing ospital, at nakikita nilang dahilan dito ay ang pananalasa ng bagyong kiko kamakailan.—sa panulat ni Hya Ludivico