Walang gustong personal na tumestigo sa ilang reklamo ng vote buying noong nakaraang halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, nakatanggap ng mahigit isang libong mensahe ang Anti-Vote Buying Task Force na ‘Kontra Bigay’ sa pamamagitan ng Facebook at email pero marami sa mga alegasyon ang walang ebidensya.
Dahil dito, hindi aniya maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang COMELEC.
Samantala, ilan sa mga mensahe ay nagpahayag lamang ng pagkadismaya sa eleksyon o “mang-insulto” sa poll body.