Nakatakda ng bumalik ang ilang lumikas na residente sa Marawi matapos ang limang buwang bakbakan.
Ayon sa City Health Office ng lungsod unang pababalikin ang mga nakatira sa Barangay Basak Malutlot kung saan unang sumiklab ang bakbakan nuong May 23.
Nakahanda na rin ang mga paglalagyan ng tubig ng mga residente dahil isa pa lang sa anim na pumping station ang maaaring gamitin.
Samantala, ayon naman kay LASURECO o Lanao del Sur Electric Cooperative Acting General Manager Nordjiana Ducol bibigyan ng isang buwang konsiderasyon ng pamahalaan ang mga bakwit sa pagbabayad ng kuryente bilang pagtugon na rin sa utos ni Energy Alfonso Cusi.
Tiniyak din na walang babayaran ang mga bakwit sa pagpapakabit ng kuryente, ngunit prayoridad muna na malagyan ang mga bahay na may nakatira na.
Klase ng mga mag aaral sa Marawi sa susunod na taon pa maibabalik sa normal
Sa buwan ng Hunyo susunod na taon pa inaasahan na maibabalik ang normal na operasyon ng mga paaralan sa Marawi.
Ayon kay DEPED Undersecretary Tonicito Umali kailangan nila ng sapat na panahon para sa rehabilitasyon ng nasa 20 paaralan sa Marawi na nasira dahil sa bakbakan.
Paliwanag pa ni Umali marami na ring mga estudyanteng bakwit sa ibang lugar na nagaaral at duon na lang planong ipagpatuloy hanggang sa pagtatapos ng taon.
Mahalaga rin aniya na sumailalim muna sa debriefing ang mga guro sa Marawi bago muling makapagturo.