Nagpatupad na ng forced evacuation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ilang residente na nasa Taal Volcano Island.
Ito’y bilang pag-iingat matapos maitala ang mga seismic activity ng bulkan.
Kinumpirma rin ang on-going evacuation ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC, dapat ay ‘no man’s land na ang mangyari sa lugar na malapit sa Bulkang Taal kaya kailangan na silang palikasin.
Ang mga pinapalikas umano ay mula sa dalawang sitio ng Talisay.
Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakapagtala ang Taal Volcano ng 98 tremor episodes sa nakalipas na 24 oras bagay na tumatagal ng lima hanggang 12 minuto.
Matatandaang nagkaroon ng pag-aalburuto ang Bulkang Taal noong Enero 2020 kung saan umabot ito sa alert level 4.
TINGNAN: Mga residente ng Taal Island inilikas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal | via @coastguardph pic.twitter.com/kTnXF8DiQp
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 16, 2021