Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang residente ng Marawi bilang pagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa mabagal umanong rehabilitasyon ng lungsod.
Nagmartsa ang mga estudyante at Maranao leaders kahapon isang araw bago ang anibersaryo ng Marawi liberation.
Ayon sa grupo, mag-iisang taon na ngunit tila kahit isang tipak ng bato sa kanilang lugar ay walang nagagalaw.
Sinabi naman ni Marawi Mayor Majul Gandamra, bagama’t kanilang nauunawaan ang nararamdaman ng mga residente, ngunut hindi aniya basta-basta ang prosesong dinaraanan sa nasabing rehabilitasyon gaya ng pagpili sa developer.
Isang taon na ngayong araw nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang lungsod ng Marawi mula sa kamay ng teroristang Maute-ISIS matapos itong kubkubin ng halos limang buwan.
—-