Nababahala ang ilang residente sa Pampanga dahil sa napakalaking bitak sa Mt. Arayat.
Ayon sa Chairman ng Barangay San Juan Baño sa Arayat, Pampanga, matagal na itong may bitak ngunit mas lumaki pa matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding.
Nangangamba naman sila na magdudulot ng pangguho ng lupa ang bitak.
Batay sa pag-aaral ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nagkaroon ng soil erosion sa tuktok ng bundok.
Dahil dito, posible na magkaroon ng malawakang pagguho ng lupa at magdulot pa ng pagkawasak ng ilang komunidad.
Agad namang pinalikas ng PDRRMO ang mga residente kasabay ng maagang pagbibigay ng early warning system