Binigyan ng limang oras ang mga residente ng Agoncillo, Batangas na makapasok muli sa kanilang bayan.
Batay sa ulat, sinimulang payagang muling makapasok ng Agoncillo ang mga residente nito kaninang 5:00 ng umaga.
Mas maaga ito sa itinakdang window hours na mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga na sinimulan kahapon.
Ayon sa PNP, layunin nitong hindi mapuno ng mga tao ang inilagay na checkpoint sa bukana ng bayan.
Ang bayan ng Agoncillo ay isa sa mga isinailalim sa lockdown matapos na matinding maapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.