Nanghihingi na ng pagkain ang ilang residente ng Marawi City sa gitna na rin ng military operations laban sa Maute Group.
Bitbit ang mga placard partikular na humihingi ng pagkain ay mga batang residente.
Samantala, nananatiling sarado ang ilang business establishment sa Marawi City simula nang umatake ang Maute Group noong May 23.
Sa kaniya namang social media post, sinabi ni DSWD o Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo na hindi sila humihingi ng donasyon sa publiko subalit tatanggapin nila ang anumang tulong na ibibigay para sa Marawi City residents na apektado ng pag-atake.
Gayunman, inamin ni Taguiwalo na hindi sila makapaghatid ng goods sa mga evacuee.
Mayroon aniyang mga human rights at welfare groups na tumutulong sa mga apektado ng pag-atake.
Ipinabatid ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao Crisis Management Committee na mahigit 42,000 katao ang nananatili sa evacuation centers o kaya naman ay nakikitira sa ilang kaanak nila na nasa labas ng Marawi City.
By Judith Larino
Ilang residente ng Marawi nanghihingi na ng pagkain was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882