Puspusan na ang paghahanda ng mga residente sa 10 Barangay sa Quezon City sa pinalawig na water service interruption ng Maynilad.
Ang mga apektadong barangay ay ang San Jose, Santa Teresita, Santo Domingo, Sauyo, Siena, Sta. Lucia, Sta. Monica, Talayan, Talipapa at Tatalon.
Sa abiso ng Maynilad, hanggang katapusan ng Abril ang water service interruption na nararanasan sa ilang lugar sa Metro Manila at Bulacan.
Babalik na dapat noong April 15 ang water supply subalit pinalawig dahil sa mataas na demand bunsod ng mainit na panahon at mabilis na pagkaubos ng tubig sa ilang reservoir.
Tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ang off-peak water interruption ng Maynilad.