Nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang residenteng pasimpleng dumadaan sa likurang bahagi ng Taal Volcano Island.
Ayon sa PCG, dumadaan dito ang ilang residente sa pag-aakalang hindi sila mahuhuli at mapipigilang umuwi sa kani-kanilang tahanan.
Napag-alaman ng ang mga ito ay residente ng San Nicolas at nais bumalik sa kanilang lugar para masagip ang ilan nilang alagang hayop.
Giit ng PCG, idineklara nang “no man’s land” ang naturang lugar dahil sa banta ng mapinsalang pagsabog ng bulkang Taal anomang araw o oras.