Nagsisimula nang magkasakit ang ilang residente sa lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet dahil sa sobrang lamig na temperaturang nararanasan ngayon.
Ayon sa Baguio General Hospital , tumaas ang kaso ng mga nagkakasakit dahil sa lamig ng panahon na karamihan anila ay mga bata.
Gayunman, wala naman anilang dapat ikaalarma sa pagtaas ng kaso ng common diseases dahil normal lamang ito sa mga panahong ito.
Kalimitang sakit tuwing sobra ang malamig na panahon ay sipon, ubo, hika, pneumonia, respiratory infections, gastrointestinal infections at amoebiasis.
Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng mga doktor ang mga residente ng baguio na palaging magsuot ng jacket upang protektahan ang katawan laban sa sobrang lamig ng panahon.
By Ralph Obina
*Photo Credit: cnnph