Nanatili pa rin sa mga evacuation center ang ilang residente sa Legazpi City.
Ito’y matapos masalanta ng bagyong ‘Tisoy’ ang kani-kanilang mga bahay.
Kasabay nito, umapela ng tulong ang mga apektadong residente na muling maipaayos ang kanilang mga bahay.
Kasalukuyan pang nagpapatuloy ang damage assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Albay kaugnay sa naging pinsala ng bagyo.